Balentayms.

Buwan na naman ng Pebrero. Oras na naman sa mga kasing lapot na pulot pukyutan katam-esang di maintindihan. ops. Konting paglilinaw lang, hindi ako bitter. Pero sige,  inaamin ko na kahit na dito ako sa araw na ito ipinanganak, hindi pa (kahit kelan) naisip na espesyal ang panahon na ito. Pero kung iisipin mo, paki ko nga naman di ba, eh hindi ko pa naman naiintindihan.

At dahil may sakit ako (ubo) ngayong ika-labing apat ng Pebrero, (ubo) wala akong ibang ginawa maghapon kung hindi ang matulog. Ni hindi ko nga nakuhang pumasok ng trabaho. Natulog lang ako ng natulog hanggang sa eto na paggising ko, naisipan kong muling sumulat, tutal naman hindi ko nagawang magkwento noong kaarawan ko. Ewan ko din kung bakit ko napiling magsulat sa tagalog…Okay sige balik tayo, Balentayms.

Noong bata ako (mga dekada nobenta pa yun) uso pa yung paggugupit gupit ng mga kartolinang pula na may hugis puso, hugis balentino at balentina, lalong lalo na yung batang lalaki na may hawak na pana, sabi nila na ang pangalan daw eh, ‘Kupido’.  Tapos yung mga kaklase mo kali-kaliwa ang dala, bulaklak, chocolates, love letters pa nga.

Ganun naman taon-taon. Ngiti lang naman ang gagawin ko, dahil kahit kailan naman hindi ko pa naranasan mabigyan ng bulaklak sa araw na ito. Tsokolate, pwede pa. Or bumibili ako para sa nanay ko, pero yung ako mismo, hindi pa. Siguro kung binabasa mo  ito ngayon, marahil ay  tatawa-tawa ka na. Pero wala akong paki. Hindi naman kawalan yun. Naisip ko lang ano nga ba ang halaga ng pagbibigay ng isang bagay na napupunit (sa kaso ng mga pulang kartolinang ginupit-gupit), nauubos (sa mga tsokolate) at sa nalalanta (sa mga bulaklak). Mabuti pang bigyan mo ako ng sulat, o ng aklat, matutuwa pa ako sayo.

Osige na nga. Usapang pag-ibig daw…dahil bente-uno na daw ako, may lisensya na daw ako magkaboypren. Pero bakit ganun? Kung gaano sila kahigpit noon, ngayon bukas na sila sa isiping ganun? Hmm, hindi ko nga lang maintindihan. Siguro wala pa din sa posisyon at panahon para asikasuhin yung aspetong yun, kung halos lahat ng panahon at lakas mo sa araw araw ang nilalabanan mo ay pagod sa trabaho, lungkot sa pagkakalayo sa pamilya mo at pagkilala sa sarili mo.

 Anong kaiba ngayon sa balentayms ko? Nakikinig ako kay Bamboo. Iniisip ko na kaunting panahon lang ang ilalagi ko dito sa malayo, pero minsan iniisip ko ding magtagal. Pero sa ibang panahon ko na ikekwento yun. Ngayon gusto ko lang ilabas ang nasa isip ko tungkol sa balentayms. haha 😛

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s