Random Thoughts on Romance

Ang tagal mo naman dumating. 

Ang tanong, naghihintay ka din kaya ikaw? 

Hmm, minsan nakakainip na.

Aminin ko man o hindi, epekto ito ng pagbabasa ng mga “lifemates”.

Ng mga istoryang walang kamatayang pagpapahayag ng damdamin sa isa’t isa.

Oo na, corny. Oo na, baduy. Kaso minsan, di ko lang mapigilang mag-isip, meron nga kayang ganun? Yung takot silang mawala ka sa buhay nila…na di kumpleto ang buhay nila kung di ka nila kasama… na haharapin ang lahat, mapasaya ka lang. 

Siguro dati, meron…ngayon kaya meron pang ganun? Oh well, mga tanong lang naman ito na di naman necessary sagutin ngayon. Pumapasok lang ba sa isipan, at ngayon tuloy, iniisip kung may ganun nga  ba talaga. 

Hanggang tanong lang naman eh. 

Hindi pa kasi dumadating yung taong BAKA pwedeng makasagot nito ng di kailangang magsalita. Hahay. Naku nasosobrahan na ako sa pagbabasa ng mga ganitong themes. Sigh. 

As usual, kailangan lang naman magvent eh. Iba din naman kasi ang lungkot ng napapalayo sa pamilya at sa mga taong malalapit sa’yo. Kug ano-ano tuloy naiisip mo, imbis na ipinapahinga mo na yung utak mo… eto pumipindot ka pa din sa keyboard… naglalabas ng kung ano anong mga nasa isipan; habang dahan dahan kang kinakantahan ni David Pomeranz, ng tungkol sa pag-ibig, sawi man o wagas na pagmamahalan.

Bakit nga ba mga ganitong bagay ang pinag-iisip ko? Dahil ba gusto ko ng karanasan? o dahil gusto ko lang makaramdam ng belongingness? Pero sabi naman nila, nakakasakal naman daw yung lagi kang may pinagpapaalaman, yung laging may nagbabawal. Pero kung talagan nagmamahalan, bakit naman di kayo magkakaintindihan di ba?

Pinipigilan nila ako dahil di pa daw panahon. Dahil bata pa daw ako para harapin ang responsibilidad, Pero kelan ka pa makakaramdam ng ganitong damdamin sa isang tao… mapipigilan ba? Kailangan ba kapag nakakaramdam ng pagmamahal, maiparamdam din sayo? Ang pagmamahal ba ay isang responsibilidad?

Siguro. 

Siguro in love lang ako sa mga ideya ng love. Na gusto ko lang maranasan yung naranasan ng mga binabasa ko… Yung tuwa, yung relief, yung comfort, yung sense of security and belonging… Dahil aminin o man o hind, I am at my most vulnerable than ever in my life right now. 

Hindi ko alam. Iniisip ko na nga lang, habaan ang pisi ng paghihntay, Intindihin na may nakalaan na dahilan sa bandang huli, may dumating man o wala.  

 

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s