Hello (Not an Adele Post)

So this is me na nagbabalik loob sa pagsusulat. Let me just say I missed you! I am writing to you not of heavy strong feelings as I saw in my previous entries, but I guess I just want to organize this mind.

Wala naman akong masyadong issue, gusto ko lang ba siguro mag look back and maging grateful sa mga nangyari sa akin, good or bad man. Ay mali, gift man sila o lesson.

So here I am. Actually, naisip ko lang talaga si Maine. Oo nga pala, in my other virtual self, especially in Twitter, puro ALDUB ang nandun. I guess I found two people I can idolize, not just because of the character they portray, but also their actual personality. Kala mo eh personally kilala ano? haha.

Honestly I can’t really explain. Sobrang inaadmire ko sila and I keep on hoping na things will always be good to them. Like their health, their career, their lovelife. Haha. Etchos na naman. 🙂

Siguro kudos to everyone in the Team Eat Bulaga. Especially the writers and actors, especially when it comes to the lessons of Lola Nidora. Kasi naman! Siguro because it’s all about waiting for the right time, and for an impatient yet hopeless romantic me, tagos sa puso at isipan yung mga nangyayari. Halo-halo nang kilig, saya, lungkot at pangaral na talaga naming nakakarelate ka sa kanila. Oo nga mabaliw-baliw ka sa kilig, malulungkot ka pag sila sad, at tatanggapin mo lahat ng advise ni Lola, pero pagkatapos ng shoot, ano na kaya sila? Tao pa din, taong napapagod, pero hopefully masaya sa trabaho nila. Kahit pagod na pagod na. Tao pa din na kinikilig, kung ano man ang meron sa kanila, at bilang fan, masayang isipin kung magkakatotoo nga ang lahat. Pero isa ding tanong sa utak, edi pag sa katotohanan, kailangan din nilang harapin ang katotohanan, kasi sa tunay na buhay, wala naming cut eh. wala silang cue cards na magsasabi ano na ang susunod na mangyayari, ano na ang dapat nilang ikilos. Sarili na nila ang mag-iisip at mag-aayon ng mga susunod na mangayayari. So sana nga, kung magiging sila man, eh meant for each other na sila.

On my side, tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit ako super affected kay Tamang Panahon. Haha, Oo nga naman uy, bakit ba ako affected? Eto na sasagot na as honestly as possible. Siguro kasi akala ko malapit na yung Tamang Panahon ko, yun pala hindi pa. haha. I was so primed up for romance, for kilig, for sweetness, for everything that relates to the idea of love. Tapos I thought eto na oh, umuwi pa nga ako diba? Haha. Pero God has so many plans for me pa pala. So ang ending, dahil matigas ang ulo, eto, had my share of emotional ups and downs. Nakakatawang isipin at nakakainis kapag naglulook-back. I looked so desperate and eager. Na hindi pa iniisip kung ano ang magiging repercussions. Kasi naman ipilit pa more! haha! Hay naku. So ang nangyari, naging outlet si ALDUB. Yung kilig ko, dun na lang ibuhos. Maging happy para sa kanila. Yung idea ng love, sila ang nakakaexperiece and I’m just your lowly fan na admiring from afar.

I bought magazines, became active on twitter, napupuyat, nagpunta ng Broadway (thanks Jayson!),     PS: Hindi ko maituloy ang blog post na ito dahil sa’yo Jayson! ang kulet mo! Ipilit ba na may bf akong nagngangalang Albert? hahahahaha

Hay naku. Basta. Ang masasabi ko lang, bukod sa waiting, obedience. Tama talaga yung nagsabi sa akin nito eh. 🙂

Di na ako makaconcentrate, si Jayson Kasi! Till Next time!:)

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s