Missed

PROLOGUE

“Oh umiiyak ka na naman? Lagi ka na lang naiyak kapag nagbabasa ka ng romance novels. Ewan ko ba sa’yo, pinahihirapan mo lang sarili mo sa ginagawa mo, ayan oh, pugto na naman ang mata mo,” salubong sa kanya ng kaibigan niyang si Caleb.

Hindi na lang sumagot si Yrra. Sisinghut singhot siya at nagpupunas pa ng luha ng tumingin sa nang-uuyam na mukha ng kababata niya. Napasimangot siya dahil tila kahit kailan hindi siya maiintindihan nito,

“Palibhasa kasi, hindi ka pa naiinlove, at wala kang balak mainlove, wala ka ng ibang alam kung hindi makipaglaro sa mga babae,” sagot niya na lang dito. Isa ito sa mga kilalang lalaki sa village nila, dahil bukod pa sa galing nito sa basketball, ay hindi rin maikakaila na may mga babae ang nahuhumaling sa mga tipo nito na Pinoy na Pinoy ang itsura – katamtaman ang kulay, itim at mabibilog ang mga mata, at may ngiting nakakadagdag sa charm nito. Ngunit ng mga panahong yun ay panandaliang hindi niya makita nag kislap ng mga ngiti nito dahil nakatalikod ito sa kanya.

“Bakit, ikaw ba, nainlove na?” Balik-tanong nito sa kanya, habang tila may kung anong tinatanaw sa malayo. Kasalukuyan silang nasa isang lugar na kung tawagin nila ay ‘overlooking’, isang maliit na burol na malapit sapaanan ng Bundok Makiling, kung saan malapit ang village nila. Ito ang kanilang tambayan dahil bukod sa presko, ay kita mo ang  likas na kagandahan ng kapaligiran.

“Oo naman.” Walang kagatol-gatol na tugon ni Yrra, sabay tumayo na din siya, tumabi  kay Caleb, at pinagmasdan ang ganda ng papalubog na araw. “Alam mo naman na matagal ko ng gusto si Euan eh. Kaya nga lang –”

“Kaya lang, hindi naman niya alam na nag-eexist ka,” pagpapatuloy nito. “Okay na ako sa ganito. At least, makita ko man na may kasamang iba yung babaeng di-nate ko nung isang araw, okay lang, dahil flavor of the week ko lang naman siya, “ nakakalokong nginitian pa siya ni Caleb. “Tama naman ako, di ba? Mas maganda na yun, no strings attached.” Habol pa nito. Siya naman ay napasimangot. Hindi kasi nito kailanman maintindihan na ang romance, ay ginawa para sa love. Hindi naman niya itinatanggi na hopeless romantic siya, pero kung gaano siya naniniwala sa destiny, sa true love, at sa happy ending, ito naman ang kabaliktaran niya. Masaya na yata ito sa mga bagay na panandalian, kagaya ng ginagawa nito sa mga bababeng nakaka-fling nito.

Inirapan niya ito. Amusement naman ang nabasa niya sa mata nito. Tila ba lalo lang nitong sinasabi na wala siyang pag-asang makakalapit sa kanyang long-time crush na si Euan. First year high school pa lang sila ay schoolmates na sila ni Caleb at noon din niya unang nakita si Euan. Maputi ito, Singkit,gwapo, responsible, at matalino. Yun nga lang ay may pagka masungit minsan. Napatunayan niya na minsang may nagpakilala na classmate nila, ay hindi man lang nito inabot ang nakalahad na kamay ng babae, sa halip ay bigla itong umalis.

“O, Natulala ka na naman diyan? Don’t tell me, iniisip mo na naman si Euan? Sinasabi ko na sa’yo, wag mo nang pag-aksayahan ng panahon yung tao. Magagaya ka kay Kimberly,” patungkol sa babaeng classmate nila na tila nabasa nito ang utak niya.

Hindi pa rin umiimik si Yrra, ganun talaga siya. Minsan lang kung magsalita ngunit kapag nagkabangayan sila ni Caleb, ay walang tigil. Minsan nga ay umaabot pa sila ng madaling araw, at kung hindi pa nila mapapansing papasikat na pala ang araw. Napailing na lang siya.

Hay Yrra, baka nga tama si Caleb. Hindi ka mapapansin ni Euan. Sabi ng isang parte ng isip niya. Napabuntong hininga na lang tuloy siya.

Still, wala namang masama kung humanga ako sa malayo ‘di ba? Pagtatanggol ng isang parte  ng isip niya.

Ay ewan! Wala naman sigurong masama kung –

Naputol ang kanyang pag-iisip ng bigla siyang hatakin paharap ni Caleb. Dahil sa pagkabigla ay awtomatikong nakulong siya sa mga bisig nito. Nagkatitigan tuloy sila. Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang narigodon ang puso niya.  Namalayan niya na lang na unti – unting sumisilay ang mga ngiti nito.

“‘Wag ka mag-alala, pag twenty-five ka na at wala ka pang boyfriend, andito lang ako, pagbibigyan kita. Aba, konti lang yata ang pinagpalang maging girlfriend ni Caleb Seth Ramirez III, swerte mo!” Nagmamalaking sabi nito.

Dahil sa sinabi nito, ay di niya napigilang mapatawa. “Ikaw? Konti lang ang naging girlfriends?  Eh anong tawag mo kay Ara, kay Bea, kay Carlie, kay Denise,  kay –Ay! Ano ba ‘yan Caleb, wag mo nga akong hilahin. Alam mo namang hindi mo ako kasing bilis tumakbo,” sabi na lang ni Yrra. Hindi niya na naituloy ang kanyang paglilitanya ng bigla siya nitong hilahin pababa ng Overlooking.

Nasa baba na sila ng burol ng sumagot ito. “Ang sabi ko, girlfriend, hindi mga flings. ‘Wag mo na ngang isipin ‘yun. Tara, papadilim na o, magagalit si Tito Rudy kapag hindi ka niya nadatnan sa bahay. Tiyak madami ka na namang pasalubong. Pahingi akong chocolates a?”

Napangiti na lang si Yrra. “Sige na. Wala naman akong magagawa kundi pagbigyan ka e.”

***

After seven years…

Nakatulala si Yrra sa bintana ng pad niya. Biyernes noon sa United Arab Emirates, at ang araw na ito ay walang pasok. Pagkatapos niyang makapagtapos ng kolehiyo ay agad naman siyang pinapunta ng kanyang ama sa disyerto, upang doon magtrabaho. Wala namang problema sana, ngunit hindi niya inaakala na malaki ang magiging pagbabago nito sa buhay niya. She was not the die hard romantic, and she rarely…”

THIS WAS LYING AROUND MY DRAFTS FOLDER THREE YEARS AGO. DARE I CONTINUE IT? NAKAKATAWA KASI PARANG MAY NAALALA AKO NUNG SINULAT KO ‘TO. NAALALA KO ULIT. HAYAYAYAY. HAHA. SIGE CONTINUE NA ITO!!! PLEASE SANA MATAPOS KO. DI NAMAN KELANGAN NOBELA, KAHIT ONE SHOTS LANG.

 

TILL MY NEXT POST!

 

 

 

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s