My ALDUB>MAIDEN>MAICHARD Story

Babala (Asawa ni?): Ang susunod niyong mababasa ay kathang-isip na hango sa pinakamamahal kong KS at ALDUB< MAIDEN<MAICHARD!!!!

Sorry fan lang talaga!!!!

Here it goes:

“There was never an ‘us’, there will never be an ‘us’. Kaya please, wag mo na akong landiin.”

Napailing na lang si Maine nang narinig nya ang linyang yun na dinudubsmash ng isang bata. Hindi niya pa din lubos maisip kung paanong sa simpleng dubsmash, nagsimula ang isang pangyayari bumago sa kanyang buhay.

”Kausapin mo ako, please…gusto kong malinaw ang lahat…” Linya ni Alden sa isang madamdaming tagpo nila. Hindi malaman ni Maine kung tititig ba sya sa mata nito, o pipikit at nanamnamin ang mga salita. Sana nga, totoo na lang, sana nga hindi lang sa harap ng camera, kausap niya sa sarili.  Hindi nya mapigilan, kahit anong pilit nya, nalalaglag na ang puso niya.

“Mabuti na rin ‘tong nangyayari, kasi hindi pa tayo, hindi pa rin ganun kasakit…”

Pakinggan mo ako, paano ako lalaban kung wala akong pinaglalaban?

Ngayon, sabihin mo sa akin na WALA NA AKONG DAPAT HINTAYIN. Titigil na ako…”

 

Ganun siguro talaga minsan, sa sobrang galing ni Alden, pati sa totoong buhay, nadadala na siya. Paano ba naming hindi? Sweet at gentleman naman talaga ito. Humble pa at hindi rin naman mahirap katrabaho. Pero, hanggang dun na lang yun. Katrabaho, Ka-love-team, kabatuhan ng linya sa isang eksena. There will never be an ‘us’, ika nga. Dahil hanggang aktingan na lang sila. Hindi naman siya talagang gusto ng lalaki. Sadyang professional lang talaga ito. Kaya heto sya ngayon, pauwi pa lang kahit alas tres na ng umaga, nakikinig sa mga kantang matatanda pa yata sa kanya, pero tagos sa puso kung humugot. Pigil ang damdamin niyang malaglag, pero tao lang naman siya. Humahanga sa isang tao, na bagaman nasa harap ng camera, ay likas na mabait na hindi ka naman talaga mahihiyang hangaan.

Napabuntong–hininga na lang si Maine. Ano nga kaya ang feeling na mahalin ng isang Alden Richards? Ay, erase erase, mas gusto nya yatang mahalin ng isang Richard Faulkerson, Jr. Napabuntong-hiniga na lang sya.  Basta Meng, kahit anong mangyari, ‘wag kang magpapadala. Aktingan lang to uy! Aktingan!” Kausap nya sa sarili.

“Huy, kanina ka pa nagbubuntuong-hininga dyan!  Ano ba iniisip mo? Affected ka pa din sa eksena kanina? Aktingan lang yun!” Sabi ni Dean, ang kanyang kapatid.

“Heh! Matulog ka na lang dyan, may naisip lang ako,” ganti ni Maine dahil naputol ang pagmumuni-muni nya.

Nagising na lang si Meng na may mainit na dumampi sa kanyang ilong, sa leeg at may yumakap sa kanya. Dahan-dahan siyang dumilat. Nagulat na lang siya na nakayakap sa kanya ang taong pinapangarap niya.

“Alden?” Gulat niyang tanong.

“Babe, nananaginip ka na naman? Si Richard ‘to, ang pogi mong asawa. You need to eat para kay baby Charmaine. Kailangan nya maging healthy paglabas niya”. Dun na siya tuluyang bumalik sa kasalukuyan.

5 years ago, nagkasama sila sa Eat Bulaga, na-inlove, nagkatuluyan, at ngayon magkasama nang humaharap sa forever. Eight months pregnant na siya sa kanilang first baby ni Alden, este, Richard.

“Halika nga dito, I need your hug, Love”, paglalambing niya sa kanyang asawa. Agad namang nagpakawala ng napakatamis na ngiti ang lalaki at nyakap siya ng pagkahigpit-higpit.

“I love you, Meng. I really thank God, He gave me you. More than the song itself, sobrang nagpapasalamat akong dumating ka sa buhay ko,” masuyong bulong ni Richard, habang yakap siya.

Nag-uumapaw ang pagmamahal at kasiyahan sa puso niya kaya di niya napigilan kintalan ito ng masuyong halik sa mga labi.

“My love, pangarap ko lang si Alden dati; na mapansin niya ako as a fan. Hindi ko alam na may higit akong makikilalang mas higit kay Alden. Kung si Alden, masigasig para lang makuha ang kamay ni Divina kay Lola Nidora, yung taong minahal ko ay nakayang humarap sa 141 naming kamag-anak, sa pangunguna ng tatay Teodoro ko, at hindi lang yun, minahal na din nila ang taong mahal ko. Walang iba kung hindi ikaw, Richard. Kaya I thank God for you,” mahabang litanya ni Meng.

The whole time na nagsasalita siya ay humigpit ang yakap sa kanya ni Tisoy, na tila ba natatakot na mawala siya any moment. Sa huling pagbigkas ng mga salita ni Meng, ay agad siyang hinalikan ni Richard, sa noo, sa ilong, sa lips,at sa leeg. Hanggang sa maramdaman na lang ni Meng na kinikiliti na siya ni Richard.

“Tisoy! Wag ka nga mangiliti, Tisoy!”  tatawang-tawa sabi ni Meng.

Pero hindi pa din siya tinigilan ni Tisoy habang napahiga na silang dalawa sa kama.

Magkaharap na silang nakahiga sa kama, tapos na ang tawanan, magkahinang ang kanilang mga mata, dahan-dahang lumalapit ang mukha sa isa’t-isa. Isang masuyong halik ang kanilang pinagsaluhan. Nagkayakap silang nakahiga nang biglang tumayo si Richard.

“You’re distracting me! You need to eat! Sabi ni Richard. Malakas na tumawa si Meng.

Ang sarap pala sa pakiramdam, yung dating pinapangarap mo lang noon, nagkatotoo na sa kasalukuyan.

@ultimateunice

-Fin-

 

 

 

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s