Arabian Nights

Kadarating lang muli sa isang mataong lugar. Alaala agad ang sumalubong sa akin. Maging ang maalinsangang hangin ay nagpaalala sa isang panahong kung ikaw sana ang papipiliin ay kakalimutan ko na.
Maingay,  punong puno ng mga taong may malalaking bagahe, may kanya kanyang umpukan at sa umpukan na ito ay di mapipigilan na may isa o mangilan ngilan na may kislap ng luha sa mga mata. Depende ang kislap sa dalawang bagay: ang pag-alis o muling pagbabalik ng minamahal.

Napatingin na lang ako sa aking orasan. Sa di inaasahang pagkakataon, ay mahuhuli ng ilang oras ang aking sundo. At ano pa ba ang mainam gawin habang ika’y nakaupo at naghihintay? Ang mulung pagbalik sa mga bagay na ibinibilang mo na sa kahapon.

Luminga na naman ako. Isinuksok ang ear Phones at nakinig ng musika. Sa aking pahihintay ay napansin ang isang babae at lalaki sa isang sulok. Wala ni isang bakas ng alinmang kislap ang makikita sa mata ng dalawa. Bagkus makikita mo lamang na matiming magkahawak ang kanilang mga kamay, naghihintay sa panahon na kailangang lumisan ang isa- sa pagkakataong ito ay ang lalaki. Mahina lang ang pag uusap nila, ang mga mata ay para sa isa’t isa lamang. Siguro ito ang sinasabi nila na tila wala kang nakikita sa paligid lamang kundi tanging ang iyong kaharap. Wala man lang palitan ng matatamis na ngiti, o ng mahihigpit na yakap, o ang maririin na dampi ng labi. Bagkus, tanging magkahawak ang kanilang mga kamay, mahigpit, na tila ba ayaw pakawalan ang isa’t isa. Sa bandang huli ay bumitaw na din ang babae, tila ba nagpapaalam na. Ngunit ginagap ng lalaki ang dalawang kamay ng babae at buong suyong hinalikan ang mga palad. Matapos ay Walang lingod likod na umalis ang lalaki. Dito na nagpakita ang kanina pa tinatagong kislap sa mata ng babae. Ngunit tila ba naalala ang pinag usapan ng taong kaaalis pa lamang, ay dahan dahang tinuyo ang luha at umalis na.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung panahong iyon. Taliwas sa iyong iniisip, hindi ko pa nararanasan ang ganun. Ano nga kaya ang nangyari sa kanilang dalawa? Baka dating magsing -irog na hindi na pwedeng ipagpatuloy ang pagmamahalan sa napakadaming dahilan.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko man naranasan ang tagpong iyon sa aking buhay ay may isang pagkakataon naman na pilit na nagsusumiksik sa isipan, kahit na anong kumbinsi sa sarili na kaiba ang aking naranasan kaysa sa nasaksihan.

Yaman lamang na tumutuloy na ang daloy ng alaala.
Kadarating ko din lang nun mula ibang bansa.  Bente uno anyos, na nagtatrabaho at ngayon nagbabalik pinas para magbakasyon. Marami pa akong naiisip na mga gawin nun. Isa na dun ang pumunta sa isang lugar na kung saan walang nakakakilala sa akin. Saan kaya?

Fast forward sa ilang araw na pamamalagi sa Pinas, nagpunta ako sa isang lugar na madalas kong puntahan kung gusto ko mapag isa- sa mall. Bakit kamo? Sa sobrang dami ng tao, hindi na nila mamamalayan na mag-isa ka. May kanya kanya na silang buhay at di ka na nila aabalahin pa. Kagaya ng dating gawi, kaharap ng isang mainit na kape at ang libro na aking binabasa. Masaya na ako sa sarili kong mundo.

“Dito ka pa din pala talaga nagpupunta.” Sabi ng isang tinig.
Oo kilala ko ang tinig na iyon. Ngunit di ko sya pinansin.
Imbis na umalis na lamang umupo pa sya sa aking tabi. “Kamusta ka na?”
Ayaw ko naman masabihang bastos, kaya ang sagot ko, “Ok lang. Bakit ka andito?” Osige, hindi ko na na pigilan.  Bastos na kung bastos.

Tumawa lang ang may-ari ng boses na iyon. At kahit na malamig ang pakikitungo ko sa kanya ay nagawa nya pa din akong akbayan. Pagkatapos ay nagsabi na “pampublikong lugar to. Kaya kung gugustuhin ko, pwede ako pumunta dito. Eh ikaw bakit ka nandito?” Balik tanong nya.

“Gusto kong pumunta ng isang lugar na walang nakakaalam kung nasaan ako at gawin lahat ng mga bagay na walang manghuhusga kapag ginawa ko yun. ” hindi ko alam

Bakit Arabian Nights? Kasi gagawin nyo lahat except penetration. With a twist. Haha

Wed, Sep 17, 2014 at 1:51 AM (UAE Time)

Found in my personal email, the one I use for my ‘creative trysts’. (The irony.)

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s