Agos ng Alaala:Johnoy Danao inspired

Lasing  na naman ako sa agos ng alaala.

Lango  na naman sa pag-asa.

Pag-asa na sa aking pag-iisa, lalapit ka…

At ako’y aamuhin.

 

Ngunit malas ko,

ilang bote na ba?

Ilang gabi na ba?

Ilang upos ng sigarilyo ang nagkalat;

Ngunit ni hibla  ng buhok mo, hindi ko naaninag.

 

Marahil sa balintataw,

O di naman kaya sa panaginip.

Ngunit kung ako’y iyong sasampalin upang magising,

Gawin mo na ito ng ubod lakas,

Nang tuluyan nang lumayas

Lahat ng mga nagpapaalala,

Lahat ng mga bagay na ikaw ang naalala.

 

Huwag mo na akong bigyan

Ng kahit ano pang dahilan para umasa

At sa piling ng iba ikaw ay magpakasasa.

 

Ang gusto ko lamang naman, mahal;

Malaman, at tuluyang maintindihan,

Lahat ba ng aking inalay ay di pa sapat?

 

Sabagay, ano ba nga namang laban ng isang hamak na tulad ko,

Ibigay man ang buong buhay, puso at dugo;

Ikumpara sa kanyang magpupuno ng iyong puso.

Na kahit na ano mang pilit ang gawin ko,

Kailanman ay hindi magiging ako.

 

 

Kasalanan mo ito Johnoy Danao, nakikinig lang ako sa malamyos mong tinig. Kung ano-ano pumapasok sa utak ko.

Ang sakit sa puso. Pero wala naman tong pinatatamaan, namiss ko lang talagang magsulat ng tula.

Advertisements

About The Scribbler

I have this thirst for learning. I am forever curious. I love to delve into stories by reading, watching or even listening. I believe I am unique. God is with Me all the time. I make mistakes but I learn from them. I love building lasting relationships. I am afraid of the unknown, so it's either I stay away or find out. I believe I am more matured that I was before.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s